-- Advertisements --

Dinagdagan ng isang oras ang mga operayon ngayon ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 simula ngayong araw ayon yan sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) at ng MRT.

Magdadadagdag din ng tren na babyahe ang ahensya lalo na tuwing peak hours para sa mas mabilis at komportable na biyahe ng mga pasahero sa linyang ito ng MRT.

Dahil sa mga extended hours na ito, naglabas ng updated schedule ang pamunuan ng DOTr.

Sa mga patungong Southbound narito ang mga bagong oras ng entrance closing kada estasyon ng Weekdays:
-North Avenue (10:25pm)
-Quezon Avenue (10:28pm)
-GMA-Kamuning (10:30pm)
-Araneta-Cubao (10:32pm)
-Santolan (10:37pm)
-Ortigas (10:40pm)
-Shaw Blvd. (10:41pm)
-Boni Avenue (10:45pm)
-Guadalupe (10:47pm)
-Buendia (10:48pm)
-Ayala (10:50pm)
-Magallanes (10:53pm)
-Taft

Samantala, Sa mga patungong Northbound narito ang mga bagong oras ng entrance closing kada estasyon Weekdays:
-Taft (11:04pm)
-Magallanes (11:09pm)
-Ayala (11:10pm)
-Buendia (11:11pm)
-Guadalupe (11:17pm)
-Boni Ave. (11:19pm)
-Shaw Blvd (11:20pm)
-Ortigas (11:23pm)
-Santolan (11:26pm)
-Araneta-Cubao (11:27pm)
-GMA-Kamuning (11:30pm)
-Quezon Avenue (11:32pm)
-North Avenue —–

Samantala tuwing weekends naman susundin ng MRT ang mga old schedule ng entrance closing na mula sa 9:25 pm hanggang 10:32pm ng gabi.

Sa ngayon ay epektibo na ito ngayong araw at patuloy na imomonitor ng DOTr kung ito ba ay ipapatupad na nang tuloy-tuloy dahil sa mga maintenance hours din ng mga tren.