-- Advertisements --
MRT3

Nilimitahan pansamantala ng Metro Rail Transit 3 ang operasyon ng kanilang mga tren kaninang umaga.

Kasunod nito ay humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng tren dahil sa kanilang ipinatupad na provisional service mula sa North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard Station kaninang umaga.

Ayon sa MRT-3 management, ang dahilan ng provisional service ay ang pagkakaroon ng obstruction sa footbridge sa pagitan ng Magallanes at Taft Stations.

Ang report na ito ay natanggap ng MRT-3 Control Center pasado alas 7 kanina.

Paliwanag pa ng MRT-3 , prayoridad nila ang kaligtasan ng publiko kaya kinailangan nilang limitahan pansamantala ang operasyon ng tren kaninang alas 7:13 ng umaga.

Bilang tugon sa abala ay kaagad nagpadala ng technical team ang pamunuan upang alisin ang nakaharang sa naturang footbridge

Agad naman itong nagpadala ng technical team para tanggalin ang nakaharang sa footbridge.

Samantala, alas 8:10 kanina ay naisaayos na rin ang naging aberya at naibalik na rin ang operasyon ng mga tren.