-- Advertisements --
Naantala ang operasyon ng MRT-3 kaninang bandang alas 12:03 ng tanghali matapos tumalon ng isang di pa nakikilalang babae sa southbound tracks ng MRT-3 sa bahagi ng Quezon Avenue Station.
Kaugnay nito ay nag anunsyon ang Department of Transportation sa tigil operasyon upang maisagawa ng maayos ang rescue sa nasabing babae.
Agad naman na na-rescue ito ng otoridad bandang alas 12:54 nitong tanghali ang babae at dinala sa ospital.