Plano ng Department of Transportation (DOTr) na isapribado ang operasyon at pagpapanatili ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), na ang pagmamay-ari nito ay ililipat sa gobyerno sa loob ng dalawang taon bilang build-lease-transfer (BLT).
Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Planning and Project Development Leonel Cray De Velez, kasalukuyang pinag-aaralan ng gobyerno ang paggawa ng public-private partnership o PPP para sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng Metro Rail Transit Line 3 pagkatapos na ma-eexpire ang kasalukuyang build-lease-transfer agreement sa darating na Hulyo 2025.
Sa ilalim ng 25-taong kasunduan sa, pinamamahalaan at inaarkila ng gobyerno ang 16.9-kilometrong sistema ng tren at nagbabayad ng buwanang equity rental na bayad sa Metro Rail Transit Corp. (MRTC), na nagmamay-ari ng pasilidad at nagpopondo sa pagtatayo ng nito.
Kung matatandaan, inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na inaprubahan ng Board ang pagtaas ng halaga ng MRT-3 Rehabilitation project ng P7.6 bilyon, mula P21.9 bilyon hanggang P29.6 bilyon.
Sinabi ni Balisacan na kinumpirma ng National Economic and Development Authority Board ang kahilingan ng Department of Transportation para sa changes in scope, project cost increase, implementation period extension, additional loan, at second loan reallocation ng MRT-3 Rehabilitation project.
Giit ni De Velez, ang pagpapalawig ng naturang linya ng tren ay alinsunod din sa nalalapit na paglipat sa gobyerno ng train system sa taong 2025.