-- Advertisements --

Maaring magkakaroon ng pagkaantala ang full operation ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) project.

Ito ay dahil sa pag-aaralan ng Department of Transportation ang panukalang pagbabago ng ruta sa bahagi ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na dahil sa may bagong panukalang ruta ay sasailalim ang mga ito ng masusing pag-aaral.

Magugunitang sinabi ni San Jose Del Monte Bulacan Mayor Arthur Robes na kanilang hiniling sa DOTr ang pagbabago ng ruta ng nasabing proyekto dahil sa magdudulot ng ito ng trapiko sa kanilang lugar.

Kapag nakaranas sila ng trapiko ay labis na maapektuhan ang pamumuhay ng mga residente doon.

Umaasa ang alkalde na maaprubahan ang nasabing panukala na makakabuti sa mga mamamayan niya.