-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na balik-normal na muli ang operasyon ng Metro Manila railway’s simula ngayong araw, Nobyembre 13 makaraang hagupitin ng bagyong Ulysses ang bansa.

Nakapasa aniya sa full system check na isinagawa kahapon ang Metro Rail Transit (MRT) 3, Light Rail Transit (LRT) 1 at 2 at Philippine National Railways (PNR).

Walang nakitang problema o sira sa tracks, overhead catenary system power, signaling, communications, building, facilities at rolling stocks ng mga nasabing railways.

Una nang sinuspinde ang operasyon ng MRT at LRT dahil sa malakas na ulan at hangin na dala ng bagyong Ulysses.