-- Advertisements --
Magsisimula ang operasyon ng Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital sa Mayo 2.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), na ang nasabing OFW Hospital na itinayo sa San Fernando City, Pampanga ay may malaking pakinabang sa mga OFW at sa kanilang mga dependents.
Kasabay din nito ay matatagpuan sa tabi ng pagamutan ang itinayo ring Malasakit Center and Overseas Workers Welfare Administration Desk na magbibigay ng mas madaling tulong sa mga OFW.
Ang pagtatayo ng nasabing mga establishimento ay nakapaloob sa Executive Order 154 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang paggawa ng Inter-Agency Committee.