-- Advertisements --
Pinayagan na muli ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang operasyon ng open-pit mining.
Sa Administrative Order 40 ng DENR na ipinalabas ni Secretary Roy Cimatu na kaniyang pinapawalang bisa na ang naunang kautusan na pagbabawal ng pagmimina ng copper, gold, silver at mga complex ores sa bansa.
Paliwanag pa ng kalihim na ang nasabing hakbang ay makakatulong ito sa ekonomiya.
Dagdag pa nito na isinasagawa sa buong mundo ang open-pit mining kaya ito ay legal.
May mga makabagong pamamaran aniya ngayon na ipinapatupad para maiwasan ang negatibong impact ng nasabing open-pit mining.
Tinitiyak nito na may mga batas na ipinapatupad para hindi maabuso ang nasabing uri ng pagmimina.