-- Advertisements --
MANILA MAYOR ISKO MORENO
Manila Mayor Isko Moreno

Umaabot sa 10 araw na pansamantalang ipapasara ni Manila Mayor Isko Moreno ang Ospital ng Maynila Medical Center dahil sa dumaraming bilang ng mga health workers na dinapuan ng COVID-19.

Ang shutdown ng pagamutan ay simula bukas Hulyo 31 hanggang Agosto 9.

Sa ginanap na press conference sa city hall ng Maynila, nilinaw ng alkalde na marami naman sa mga nagpositibo na health workers ay asymtomatic habang meron pang inaantay na resulta para sa ibang kawani.

Liban nito, ang tigil operasyon ay magsisilbing “breathing space” din sa mga doctors at nurses dahil sa mga pagod na ang mga ito.

Sa kabila nito, tumatanggap pa rin ng emergency cases ang naturang ospital.

Nilinaw din ni Mayor Isko, sa anim na mga ospital ng pamahalaang lungsod open pa rin naman daw ang lima sa mga ito.