Naantala ang operasyon ng Office of the Vice President (OVP) sa Mandaluyong ngayong araw, March 24, matapos makatanggap ng bomb threat ang isa sa mga tauhan nito sa pamamagitan ng text message.
Agad na inilakas ang mga tauhan ng OVP sa ligtas na lugar kaninang hapon.
Mabilis din na nag deploy ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team and Mandaluyong City Police Office sa para suriin ang buong lugar.
Nang walang makitang explosive device at nasigurong ligtas ang paligid ay agad na bumalik sa operasyon ang OVP personnel bandang alas kwatro ng hapon.
Paalala ng OVP sa publiko, ang pagbibiro tungkol sa bomb threat ay maaaring makapahamak ng buhay at ang sinumang magtatangka nito ay mahaharap sa kaukulang parusa sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727, o mas kilala bilang Anti-Bomb Joke Law.