-- Advertisements --
Hindi na papayagan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga Philippine Offshore Gaming Operators sa bands na makapag patakbo ng kanilang negosyo gamit ang malalaking compound sa bansa.
Ito Ang kinumpirma no PAGCOR Chairperson and CEO Alejandro Tengco sa ginawang pagdinig sa senado noong Miyerkules.
Ayon kay Tengco, ito na ang maging bagong panuntunan para sa mga POGO dahil na rin sa mga isyu na kinasasangkutan nito.
Layon aniya ng hakbang na ito na mapigilan ang mga krimen na nauugnay sa illegal na operasyon ng mga POGO sa bansa.
Plano rin ng PAGCOR na magtalaga ng grupo na tututok 24/7 sa 43 licensed POGO hub sa Pilipinas ngayon.