-- Advertisements --

Hindi na guerilla type ang operasyon ng POGO dahil patuloy ang paglaganap nito sa buong bansa.

Ito ay dahil sa kaliwat kanang operasyon na ikinakasa ng mga otoridad.

Sa ngayon pinalakas pa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang kanilang operasyon upang masugpo ang lumalaganap na operasyon ng POGO.

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio na kumakalat na ang operasyon ng mga iligal na POGO hindi lamang sa Luzon kundi pati na rin sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ni Casio na batay sa mga operasyon na kanilang ikinakasa laban sa POGO hindi na sila nag-ooperate sa maliliit na grupo kundi malakihan na.

Nitong nakaraang linggo, at nakalipas na araw ni-raid ng PAOCC ang isang mega scam hub sa Parañaque at Pasay, kung saan daan-daang foreign nationals ang naaresto.

Aminado ang PAOCC na nakababahala ang sitwasyong ito, dahil indikasyon ito na marami pang natitirang iligal na POGO sa bansa.

Nangako naman ang ahensya na mas paiigtingin pa nila ang kanilang operasyon upang matiyak ang ganap na pagpapatupad ng POGO ban.