-- Advertisements --

Nininiwala ang Department of Justice na magkakaugnay ang iligal operasyon ng POGO sa Pilipinas at mga itinayong scam hub sa ilang mga bansa.

Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, hindi maikakaila na mayroong relasyon ang mga scamming activities nito.

Ginawa ni Ty ang pahayag kasabay ng isinagawang pangalawang regional meeting ng Southeast Asian National Anti-Trafficking Committees.

Natanong kasi ang opisyal kung tatalakayin ng komite kung may mga sindikato na nasa likod ng ilegal na operasyon ng POGO sa Pilipinas maging sa ibang mga bansa.

Ang naturang pagpupulong ay dinaluhan ng mga kinatawan ng ilang mga bansa katulad ng Brunei, Cambodia, Indonesia, Myanmar, Laos, Thailand, at Vietnam.