-- Advertisements --

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano
na pinapayagan na ang sabong o cockfighting sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).


Ayon sa kalihim ang pinapayagan lamang makapasok sa loob ng sabungan ay ang handler o ang may-ari ng manok, dapat walang audience, walang pustahan at hindi papayagan ang live broadcast ng sabong.

Sinabi ni Ano na ang online sabong ay dapat may permiso mula sa PAGCOR.

Aniya, itinuturing kasing illegal gambling ang online sabong kaya mahigpit itong ipinagbabawal.

Binigyang-diin ng kalihim na ayaw na nila maullit na maraming indibidwal ang mahawa sa nakamamatay na virus.

Kung maalala, nasa 200 katao ang nainfect ng Covid-19 dahil nagtungo sa sabungan.