-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nanatiling tahimik ang pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO Isabela provincial District office may kaugnayan sa tuluyan ng pagpapatigil sa operasiyon ng STL sa lalawigan ng Isabela.

Una nang inilabas ng isabela Provincial Information Office na batay sa final notice of termination ni PCSO General Manager Royina Marzan Garma nakapaloob ang huling araw ng STL draw at ang tuluyang pagpapatigil na sa operasiyon ng STL sa ilalim ng Shara Games and Amusement Philippines Corporation sa lalawigan ng isabela maliban sa lunsod ng Santiago.

Tumanggi ding magsalita ang mga kawani maging ang kanilang branch manager ng PCSO Cauayan may kauganyan sa naturang usapin .

Sa nagyon ay hindi pa malinaw kung mayroon ng kopya ng sulat mula sa PCSO ang Sahara Games and Amusement Phil. Corpoporation.

Napagalaman ding natigil na simula kagabi ang pagbola ng STL sa ilagan at Cauayan City kung saan ilang kubrador na ang hindi na nagiikot sa mga barangay upang magpataya.

Ikinagalak ni Governor Rodito Albano ang pagkakaterminate sa STL operation ng Sahara Games and Amusement Philippine Corporation sa Isabela.

Reaksyon ito ng gobernador matapos na may kumalat na balita na tinerminate na ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang STL operation ng Sahara sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor Albano na matagal na niyang inaasahan na makansela ang operasyon ng Sahara sa lalawigan dahil iligal ang kanilang ginagawa at marami silang nilalabag ngayong may COVID-19.

Dahil dito, hinahangaan niya ang general manager ng PCSO Isabela dahil nakita rin niya ang mga paglabag ng Sahara.

Ayon sa kanya, hindi na siya pabor na ipagpatuloy pa ang operasyon ng STL sa lalawigan maliban na lamang kung PCSO ang mismong magpapatakbo dahil sila talaga ang awtorisado rito.

Sinabi pa ni Governor Albano na maging ang NBI ay kanila ring inireklamo dahil nagpapagamit ang director ng NBI Isabela sa Sahara Games and Amusement Philippine Corporation.

Dahil dito, nais niyang magbitiw na lamang ang naturang NBI director.

Sinubukan naman ng Bombo Radyo Cauayan na kunan ng pahayag si director Tim Rejano ng NBI Isabela subalit ang naging tugon lamang ay ‘no comment’.