BAGUIO CITY – Magkahalong emosyon ang nararamdaman ngayon ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Mumbai, India dahil sa hagupit ng severe cyclone Tuktae na nananalasa ngayon sa ilang bahagi ng bansa kasabay pa rin ng hinaharap na krisis dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa report ni Bombo international correspondent Armando Eduarte, nagtatrabahong sofware developer sa sentrong Mumbai, sa mahigit 10 taon nitong naninirahan sa lugar ay ito umano ang unang pagkakataong nakaranas siya ng kalakas ng hangin at ulang na dulot ng masamang panahon na tumama sa kanilang lugar
Iniulat niya na inaasahan pang mararanasan ang 120 km per hour na hangin lalo na sa Mumbai kung saan tumama ang sentro ng cyclone kabilang na ang rehion ng Gujarat na may iniulat ng anim na kaso ng pagkamatay dahil sa bagyo
Aniya, libu-libong mga residente na nakatira sa mabababang lugar ang inilikas sa mga evacuation centers habang pinaghahanap ang nawawalang bangka na lulan ng mga mangingisdang pumalaot sa dagat kamakailan
Ayon naman sa Indian Meteorological Department, aabot na sa 3,000 istruktura ang nasira ng cyclone sa Kerala dahil itinuturing na pinakalamalakas na cylone ito na tumama sa India mula pa noong 1998.
Una itong namataan noong nakaraaang linggo bilang isang Low Pressure Area hanngang sa lumakas ito at nabuong isang ganap na cyclone.
Dahil dito, nadagdagan umano ang pagsubok na kinakaharap ngayon ng pamahalaan ng India matapos magsiksikan sa mga evacuataion centers ang mga tao kung saan mahirap nang obserbarahan ang social distancing.
Samantala, sinabi ni Eduarte na lalo pang nadadagdagan ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19 virus kung saan naitatala ang 4,000 hanggang 5,000 kaso kada araw.
Una rin niyang ibinahagi sa Bombo Radyo na nahihirapan silang mga OFWs sa work at home na set-up ngayon matapos kinaltasan ng 50% o kalahati ang kanilang sahod dahil sa ipinapatupad na lockdowns sa naturang bansa.