-- Advertisements --

Nananatiling normal ang operasyon sa mga paliparan na dinaanan ng bagyong Karding ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Iniulat ni CAAP Acting Director General Captain Manuel Antonio “Skee” Tamayo na walang naitalang pinsala sa mga paliparan sa Luzon base sa kanilang assessment.

Ito ay ang mga paliparan sa Luzon ng CAAP area 1 ay nasa Baguio, Laoag, Vigan, Lingayen, Rosales, at San Fernando Airports habang sa Area 2 naman saklaw dito ang Tuguegarao, Cauayan, Palanan, Bagabag, Basco, at Itbayat.

Saklaw naman ng CAAP area 3 sa Plaridel, Iba, Baler, Alabat, Jomalig, Calapan, Lubang, Mamburao, Marinduque, San Jose, Pinamalayan, Wasig, Romblon, at Sangley gayundin sa Area 4 kabilang ang Puerto Princesa, Busuanga, Cuyo, at San Vicente.

Sa Area 5 naman sa Bicol International Airport, Bulan, Sorsogon, Daet, Masbate, Naga, at Virac.