-- Advertisements --
Nagpapatuloy ang operasyon sa mga pantalan sa bansa habang papatapos ang 2023 kung saan humigit-kumulang 20,000 pasahero ang inaasahan sa Batangas port.
Ipinagbabawal naman sa mga pantalan ang mga armas, nakasusunog na bagay, mga paputok, at mga lighter sa barko.
Ipinagbawal din nila ang pagpasok ng mga pato at chicharon sa pier premises bilang pag-iingat laban sa African Swine Fever at Bird Flu.
Samantala, patuloy ang pagdating ng mga pasahero sa Port of Lucena sa Luzon.
Gayunpaman, ayon nsa kinauukulan, wala namang naitalang delayed o cancelled trips.