Muli na namang nagsagawa ng operasyon ang Land Transportation Office para sa pagpapatupad ng ‘No Plate, No Travel’ policy.
Naging katuwang naman ng ahensya ang Quezon City Traffic and Transport Management Department pagkakasa ng naturang polisiya sa mga tricycles sa naturang lugar.
Pinangunahan ngayong araw ni LTO Law Enforcement Service Dir. Francis Almora ang isinagawang operasyon.
Binantayan ng mga tauhan ng ahensya ang mga tricycle na bumibiyahe sa lugar partikular na ang Batasan Tricycle Operators and Drivers Association o BATODA.
Ayon kay Almora, ito ay pinakamalaking asosasyon ng mga tricycle sa Quezon City.
Dahil dito, marami ang natikitang driver dahil na rin sa hindi rehistradong tricycle pati na ang mga driver na walang bitbit na lisensya.
Nanawagan naman ang LTO sa mga tricycle driver na huwag nang makipagsapalarang bumiyahe kung walang lisensysa tat hindi rehistrado ang sasakyan.