-- Advertisements --

Ibinahagi ni Filipino pole vaulter EJ Obiena na sinagot ng kaniyang coach at ilang mga private sponsors ang operasyon nito sa tuhod.

Sinabi nito na nangamba siya noong una dahil wala pang katiyakan na matutuloy ang kaniyang operasyon sa tuhod sa Enero 11 dahil sa limitado ang kaniyang pondo.

Wala kasi itong natanggap ng anumang pondo sa Philippine Sports Commission (PSC) o sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) mula pa noong Agosto, 2021.

Labis ang pasasalamat nito sa kaniyang coach na si Vitaliy Petrov at mga private sponsors dahil sa pagpondo ng kaniyang operasyon sa Germany.

Ang coach pa aniya ang nagtulak sa kaniya na ituloy na lamang ang operasyon sa tuhod.

Magugunitang inireklamo ng PATAFA si Obiena dahil umano sa pamemeke ng mga liquidation sa allowance ng kaniyang coach.