-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Marami ang natuwa sa biglang paglinis ng mga kalsada sa isla ng Boracay.

Ang operasyon laban sa illegal parking ay nakasaad sa ipinapatupad na Phase 2 ng Project Boracay Enhanced Security Strategy and Tactics (BESST) na mas kilala sa tawag na “Battle of the Mainroad” bilang bahagi pa rin ng nagpapatuloy na rehabilitation efforts sa isla.

Ilang mga pasaway na drivers at pedestrians ang natikitan ng Malay Police Station, Municipal Auxiliary Police at MTRO enforcers dahil sa pagbalewala sa ipinapatupad na Discipline Zone, kung saan mahigpit na ipinapatupad ang mga lokal na ordinansa at traffic rules upang maiwasan ang pagsikip ng daan at mapabuti ang kaligtasan ng publiko.

Maliban sa illegal parking, bawal rin ang paninigarilyo sa pampublikong lugar at sasakyan, pagtanggi ng mga driver na magpasakay ng mga pasahero, pagpatupad ng truck ban, pagmaneho ng walang lisensiya at iba pang traffic violations.