Sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang operasyon ng dalawang consular offices sa Visayas Region dahil sa masamang lagay ng panahon bunsod ng Tropical Storm Agaton.
Sa isang public advisory, sinabi ng DFA na pansamantala muna nilang isasara ang consular office sa Tacloban at ang Temporary Off-site Passport Services sa Cebu bilang compliance sa precautionary measures na inilabas ng mga local government units.
Ang mga apektadong aplikante na mayroong confirmed appointments sa Tacloban ay pinayuhan na kumuha ng isa pang appointment sa pamamagitan nang pagpapadala ng email sa consular office sa pamamagitan ng kanilang e-mail address, sa dfa.cotacloban@gmail.com.
Dapat laman ng email ang pangalan, petsa nang kapanganakan, original appointment date at oras, at preferred date at oras ng bagong appointment.
Ang bagong appointment dates ay maaring sa Abril 12 hanggang Mayo 11 mula alas-9:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.