Bubuo ang Presidential Communications Office at mga kapartner nito ng tinatawag na operational framework para labanan ang fake news.
Sinabi ni PCO Secretary Jay Ruiz na ito ang pangunahing layunin ng binuo nilang media vanguard.
Ayon kay Ruiz makatutuwang aniya nila ang National Bureau of Investigation at iba pang law enforcement agencies at mga ahensiya ng gobyerno para masawata ang pagkalat ng mga maling impormasyon at mapigilan ang mga indibidwal na nagpapakalat nito.
Aminado si Ruiz na masyado nang naiimpluwensiyahan ng social media ang pag iisip ng mga tao dahil dito na sila nakatutok, kaya nababawasan ang mga tumatangkilik sa traditional media.
Paalala ng Kalihim, hindi lahat ng nakikita, napanonood at nababasa sa social media ay pawang mga totoong impormasyon, karamihan ay mga maling impormasyon o pekeng balita.
Kaya naman nagsusumikap aniya sila sa pamahalaan para magkaroon ng regulasyon o magpatupad ng content moderation.
Giit ni Ruiz, mahalaga sa panahong ito na mamayani o mangibabaw ang mabubuting content kaya kaagad aniya nilang aaksyunan anuman ang makikitang maling mga impormasyon at fake news sa socia media.