Mananatili ang operational tempo ng militar at hindi magbabago ang kanilany security plan ngayong hindi na palawigin pa ang umiiral na batas militar sa buong Mindanao.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Western Mindanao Command Commander Lt Gen. Cirilito Sobejana kaniyang sinabi na sa ngayon manageable na ang security situation, bagamat may mga armadong grupo pa na nag ooperate sa Maguindanao at Sulu.
Pero tiniyak ng heneral na kontrolado ng militar ang sitwasyon.
Ipinagmalaki naman ni Sobejana, dahil sa pinalakas na opensiba laban sa teroristang grupo, nagkaroon ng significant reduction sa kanilang pwersa.
Patunay dito ang sunud sunod na operasyon ng militar laban sa teroristang grupo.
Samantala, hirit naman ng AFP na dapat nang aksyunan ng Kongreso ang pag-amiyenda sa kasalukuyang Human Security Act at gawing Anti-Terrorism Law.
Layon nito para magkaroon ng ngipin ang batas at mapanagot ang mga terorista.
Ikinatuwa ng AFP ang naging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang palawigin pa ang pag-iral ng Martial Law sa Mindanao.
Sinabi ni Arevalo, ito ang resulta ng kanilang rekumendasyon sa Pangulo bilang kanilang Commander – In – Chief at hindi naman sila nabigo’t pinakinggan naman sila.
Una nang sinabi ng AFP na bumubuti na ang kalagayan ngayon sa Mindanao dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga DAESH Inspired na siyang magiging daan sa pag-unlad sa rehiyon.
Patuloy na makikipagtulungan ang AFP sa Local Chief Executives gayundin sa mga komunidad sa Mindanao upang ipagpatuloy ang tagumpay na nakamit nila laban sa karahasan kahit wala nang umiiral na Batas Militar.