-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag na rin ng Senate blue committee ang Seletar Jet company, matapos na gamitin ito ng Pharmally executive officers na sina Mohit at Twinkile Dargani.

Sa liham na inilabas ng panel na pirmado ni director general Atty. Rudy Quimbo, hinahanapan ng supporting documents ang Seletar ukol sa mga byahe nito, kung saan lulan ang mga Dargani.

Para kay Senate blue ribbon committee chairman Sen. richard Gordon, malinaw umanong guilty ang magkapatid dahil sa tangkang pagtakas ng mga ito patunong Malaysia bago sila madakip ng arresting team ng Senate Sergeant-At-Arms (OSAA) sa Davao International Airport noong Linggo.

Ang dalawa ay isinasangkot sa maanomalya umano multi-billion deal para sa medical supplies na binili noong nakaraang taon, nakalaan sa medical frontliners.

Samantala, nabigo namang madakip ng OSAA ang isa pang sangkot sa kontrobersiya na si dating PS DBM Usec. Lloyd Christopher Lao.

Lumalabas na may isang concerned citizen na nagbigay ng impormasyon hinggil sa magkapatid Dargani kaya napadali ang paghahanap sa mga pinapaarestong Pharmally executives.