-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isinailalim ngayon sa lockdown ang opisina ng coast guard district south eastern Mindanao matapos na tatlo sa kanilang mga personahe ang nagpositibo sa coronavirus disease (covid-19).

Una ng sinabi ni Dr. Ashley Lopez, head ng City Health Office (CHO) na pumunta sa Maynila mula Davao ang tatlong mga personahe ng coast guard para sa kanilang training at ng isinailalim ito sa swab test, lumalabas na positibo ang mga ito sa virus.

Sa kasalukuyan nasa isolation facility sa Maynila ang mga nasabing mga personahe ng coast guard.

Patuloy naman ngayon na minomonitor ng ahensiya ang kondisyon sa mga huling nakasalmuha ng mga pasyente kung saan kailangan rin na sumailalim ang mga ito sa quarantine.

Sa kasalukuyan, nagsagawa na rin ng disinfection sa opisina ng coast guard sa Sasa nitong lungsod.