-- Advertisements --
ILOILO CITY – Naka-lockdown ngayon ang tanggapan ng Commision on Election (Comelec) sa IIoilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Jonathan Sayno, Election Assistant II Jonathan Sayno ng Iloilo City Comelec, sinabi nito na nagkahawaan ng COVID-19 ang siyam nilang mga kasamahan.
Posible anya na madagdagan pa ang nasabing bilang dahil marami pa silang mga empleyado na isinailaim sa RT-PCR test.
Magtatagal naman anya ang lockdown hanggang sa Huwebes, Enero 20.
Inamin naman ni Sayno na dahil sa lockdown,apektado ang pag-isyu ng voters certification at maaantala rin ang printing ng Post Certified Voters List o PCVL.