ILOILO CITY – Pinasok ng mga armadong holdaper ang opisina ng courier o kumpanya ng express delivery sa Mc Arthur Drive, Quintin Salas, Jaro, Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Shella Mae Sangrines, spokesperson ng Iloilo City Police Office, sinabi nito na pinasok ng tatlong mga armadong lalaki na armado ng matataas na kalibre ng baril at nakasuot ng face mask ang courier company.
Tinutukan naman ng baril ang mga kawani sabay deklara ng holdap.
Natangay naman ng mga ito ang mahigit sa P600, 000 na koleksyon ng courier.
Matapos ang panloloob, kaagad na tumakas ang mga holdaper sakay ng motorsiklo.
Nagsagawa naman kaagad ng follow up operation abg nga tauhan ng Jaro Police Station at natukoy ang dalawa sa tatlong mga suspek.