Palalawigin pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa National Capital Region (NCR) ang pagbubukas ng kanilang opisina hanggang Sabado na magsisimula sa darating na Abril 13.
Layon ng hakbang na ito na ma-accommodate ang mga driver at operator na hahabol sa application sa konsolidasyon ng mga PUJ.
Ito ay kasunod na rin ng nalalapit na deadline ng consolidation sa Abril 30 ng kasalukuyang taon.
Batay sa inilabas na Office Order at Memorandum Circular ng LTFRB-NCR, tatlong magkakasunod na araw ng sabado magbubukas ang kanilang opisina na matatapos naman sa Abril 27.
Nilinaw ng ahensya na tanging filing lang ng bagong consolidation at amended application ang tanging tatangapin sa mga natukoy na araw.
Batay sa datos ng ahensya, pumalo na sa 80% ang consolidation rate ng mga PUJ sa buong Pilipinas.