BUTUAN CITY – Gumamit pa ng acetylene ang otoridad sa pag-raid sa opisina sa Organico agri business ventures corporation na matatagpuan sa T. Calo, Barangay Limaha nitong lungsod ng Butuan.
Kinumpirma ni Police Col. Eugene Balogo, Chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Caraga) na galing sa special court ng Securities and Exchange Commission o SEC sa regional trial court branch 20 sa Manila ang search warrant na kanilang isinilbi laban sa nag-operate ng walang secondary permit sa SEC.
Paliwanag pa ni Chief Balogo, ang modus sa Organico agri business ventures corporation ay ang pag-invest ng livestock kung saan sampung baboy ang minimum na umaabot sa 36,000 peso at may pangako pang return of investment na 22% bawat buwan ngunit makukuha lang ito pagkalipas ng tatlong buwan.
Nagsisimula umano ito noong Marso 2019 kung saan tinatayang aabot sa 100 members na. Nakilala naman ang isa sa mga proprietor na si Cerrone Roial Posas na pinaniniwalaang taga Cebu.
Napag-alamang sarado na ang nasabing opisina kungsaan may nakapaskil na under renovation ngunit pinasok pa rin ito ng CIDG kasama ang mga personahe ng Butuan City Police Station-2.
Nakumpiska ng otoridad ang iba’t ibang kagamitan sa nasabing opisina habang ginamitan pa ng acetylene upang mabuksan ang bolt na wala rin namang laman.