-- Advertisements --

Mistulang determinado ang mga mamamayan ng Albania na mapababa sa puwesto ang kanilang prime minister na si Edi Rama.

Ito’y matapos umabot na sa puntong hinagisan ng mga ito ng petrol bombs ang mismong opisina ni Prime Minister Edi Rama.

Nabatid na tatlong buwan na ang anti-government demonstrations sa Albania sa gitna ng alegasyong electoral fraud and corruption laban sa punong ministro.

Sa panig ng opposition leader na si Lulzim Basha, hinikayat nito ang mga demonstrador na ipagpatuloy lamang ang pagsasagawa ng protesta hanggang sa mag-resign si Rama. (BBC)