-- Advertisements --

Bumubuo na ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng opisina na siyang tututok sa pag-monitor laban sa mga iligal at abusadong lender.

Sa pahayag ni SEC Chairman Emilio Aquino sa pamamagitan ng Department of Finance ngayong Linggo, kabilang din sa aasahan ng publiko ang pagkakaroon ng Financing and Lending Companies Division.

“..to focus exclusively on the regulation and monitoring of these entities,” wika ni Aquino.

Una nang hiniling ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na paiigtingin ng SEC ang kanilang measures laban sa mga lending companies na may sobrang taas na interest rates kasunod ng mga reklamo ng mga kliyente na umano’y nakakaranas na ng pagbabanta at pang-iinsulto.

Nabatid na sinimulan na ng SEC ang kanilang operasyon laban sa Cashtrees Lending Corp, kung saan nasa ilalim nila ang Goodpocket, Easymoney, 365 Cash, at Rushloan na pawang hindi nakarehistro sa SEC.