-- Advertisements --

Iniuugnay ngayon ng dalawang suspek ang iang opisyal mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa isang drug trade matapos na masakote sa isang major anti-drug operation sa Brgy. Balantang, Iloilo City.

Sa ikinasang operasyon, sinasabi ng mga suspek na kinilala bilang alias “Hazel”, 36 anyos at alias “Nonoy”, 41 anyos na ang nakumpiskang 350 grams ng iligal na droga mula sa kanila ay mula sa isang opisyal ng BJMP sa lugar.

Kasunod nito ay kinumpirma ng ia sa mga suspek na ang supply nila ng mga nasamsam na droga ay mula sa naturang opisina na siyang dahilan ng paglulunsad ng imbestigasyon ng BJMP sa kanilang mga personel.

Samantala, dinirekta na ng mga otoridad sa regional investigation and prosecution division ang mga alegasyon para sa mas malalim na imbestigasyon.