Nagpaliwanag ngayon ang Department of Education kung bakit nagkaroon ng pagkaantala sa appointment ng ilang miyembro ng Teacher Education Council (TEC) Secretariat.
Ayon sa ahensya, sa kabila nito ay nananatili pa rin aniyang prayoridad ng kagawaran ang kalidad ng edukasyon ng mga guro sa bansa.
Patuloy aniya ang kanilang ginagawang pagsisikap para lalo pang mapabuti ito.
Sinabi pa ng ahensya na mismong si Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang nangunguna sa mga isinasagawang pagpupulong ng TEC.
Layon nitong pagusapan ang ang mga proseso ng pagpili maging ang pagtatalaga sa mga karapat dapat na individual na maging bahagi ng Secretariat.
Nakapag sumite na rin ang DepEd sa DBM ng mga panukala na may kinalaman sa organizational structure at staffing pattern at ito ay inaprubahan ng DBM.
Kung maaalala, kahapon ay nakatanggap ang opisina ng DepEd ng kopya ng Notice of Organization, Staffing and Compensation Action.
Giit ng ahensya, kanila namang naiintindihan ang kahalagahan ng appointment na ito para sa pagiging aktibo ng TEC.
Inaasahang mapapalawak nito ang pagsasanay ng mga guro sa bansa.
Siniguro rin ng DepEd na ang pagtatalaga ay matatapos ss lalong madaling panahon.