BUTUAN CITY – Grasya mula sa Panginoon para kay Atty. Orlando ‘Orly’ Vicente Montalban, dating tagapagsalita ng Bureau of Jail, Management and Penology o BJMP-Caraga at ngayo’y nasa Region X na, ang pagpasa niya sa 2022 bar examination.
Ito’y dahil hindi niya sukat akalain na papasa siya matapos na in-oxygen sa day 2 at 4 sa eksaminasyon dahil sa pagtaas ng kanyang blood pressure na umabot sa 180 to 110 matapos ang isinagawang medical check-up dahil sa kanyang pamumutla at labis na pagpapawis sanhi na 45-minuto na pagka-delay sa exam.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Montalban na sinabihan pa umano siya ng mga proctor na dapat tutukan muna ang kanyang pangangatawan dahil nakataya umano ang kanyang buhay lalo na’t may instances na may mga examinees na bigla na lang magpa-pass out at tuluyan nang namatay.