-- Advertisements --

Nahalal bilang opisyal ng United Nations (UN) si Department of Agriculture (DA) Assistant secretary for Policy and Planning Atty. Paz Benavidez II ayon sa inilabas na pahayag ng ahensya ngayong Martes.

Si Benavidez ay maninilban sa opisina ng ahensya bilang UN Chairman on Commission on Genetic Resources for Food and Agriculture simula ngayomg taon hanggang 2027 at siyang papasinayanan ang 21st session ng Commission on Genetic Resources for Food and Agriculture.

Kinomenda naman ng departamento ang pagkakatalaga kay Benavidez bilang bagong opisyal ng UN at tinawag na isang historical moment dahil siya ang kauna-unang Pilipino na nahalal sa isang mataas na posisyon sa UN.

Para kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., isang maituturing na ‘proud moment’ ang eleksyon ni Benavidez sa kanilang tanggapan at sinabing karapat-dapat ang kaniyang mga achievements sa kaniyang nakuhang posisyon.

Samantala, isinagawa naman ang halalan sa naging 20th session ng forum ng biological diversity for food and agriculture na siyang ginanap sa Rome, Italy.