-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Sumisigaw ng hustisya sa ngayon ang mga kaanak at kasamahan sa trabaho ng opisyal ng isang electric cooperative sa Maguindanao Del Norte na tinambangan-patay.

Ito ang inihayag ni Police Major Regie Abellera, hepe ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ang nasawi na si Alhassan Maingco, na tumatayong Institutional and Services Head ng MAGELCO.

Ayon kay Abellera, habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Barangay Capiton Datu Odin Sinsuat Maguindanao del norte ay tinambangan ito ng mga suspek at pinagbabaril.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang motibo ng krimen o kung mayroong kagalit o natatanggap na pambabanta sa buhay ang opisyal bago ang insidente.

Sa ngayon ipinapaubaya na nang MAGELCO Management sa PNP ang resulta ng imbestigasyon ng kaso.