Suspendido ang isang opisyal ng gobyerno sa India matapos na magpakawalan ng tubig sa isang water reservoir para makuha ang nahulog nitong cellphone.
Mahigit 2 milyong litro ang naipakawala mula sa Paralkot reservoir sa loob ng apat na araw para mahanap lamang ang cellphone ni Rajesh Vishwas isang local food inspector.
Base sa imbestigasyon na kasama ni Vishwas ang mga kaibigan nito ng mahulog sa kaniyang kamay ang kaniyang cellphone habang magse-selfie sana sa nasabing reservoir na matatagpuan sa Chhattisgarh state.
Nagrenta pa umano ito ng diesel pump para ma-drain ang tubig sa kalapit na canal.
Ipinaalam niya umano ito sa isang divisional officer.
Humingi pa ito ng tulong sa ibang mga tao doon subalit hindi na nakita pa ang nahulog na cellphone.
Dahil dito ay sinuspendei siy ang kaniyang sa ginawa nitong pag-aksaya ng tubig sa panahon na kailangan ito dahil sa matinding pangangailangan ng India bunsod ng labis na tag-init.