LAOAG CITY – Napalitan sa pwesto ang isang opisyal ng Ilocos Norte Police Provincial Office.
Ito ay matapos mainit na pinag-uusapan ang umanoy pananakit nito sa ilang police officer sa bayan ng Bacarra.
Kinilala ni PLt. Col. Randy Baoit, ang Deputy Provincial Director for Administration ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang opisyal na si Police Major Vencioly Luzano, command officer ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC).
Sa isinagawang press conference ng INPPO, sinabi ni Baoit na nangyari ang insidente sa protect box sa bayan ng Bacarra kung saan dalawa hanggang tatlong police personnel ang nakaduty at nasaktan ng opisyal.
Kaugnay nito, inilahad ni PMaj. Reginaldo Dalipias Jr., acting chief ng Provincial Administrative Management Unit na matapos malaman ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang pangyayari ay agad na napatanggal sa kasalukyang posisyon si Luzano at naipadala sa ibang probinsya habang nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon.
Samantala, nautusan ang PNP Bacarra na magpasa ng listaan ng mga police officer na kasama sa pangyayari.
Una ng sinabi ni Baoit na umano’y nasa impluwensya ng alak ang opisyal ng mangyari ang insidente.
Sa ngayon ay malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng INPPO kasabay ng paghihintay ng official statement ni PMaj. Luzano.