-- Advertisements --
Humingi na ng paumanhin ang mga opisyal ng Karnataka sa southern India dahil sa pagkalat ng video sa maling paraan ng pagtapon nila ng mga bangkay ng mga nadapuan ng COVID-19.
Umani kasi ng mga batikos ang pagkalat ng video sa social media kung saan makikita ang mga medical workers na nakasuot ng personal protective equipment na may bitbit na body bag at itinatapon na lamang sa mga hukay.
Kinumpiram ng mga opisyal ng Bellary district ang video at sila ay humingi ng paumanhin sa mga kaanak ng mga biktima.
Umaabot na kasi sa 246 ang nasawi dahil sa COVID-19 sa nasabing lugar.
Habang mayroong mahigit 600,000 ang kaso ng coronavirus sa nasabing bansa na siyang pang-apat na puwesto na ito sa buong mundo.