-- Advertisements --

DAVAO CITY – Arestado ng NBI ang isang mataas na opisyal ng Joggle Marketing Investment Scam na nakabase sa Tagum City, Davao del Norte sa ginawang operasyon.

Kinilala ni NBI Tagum City District Director Exzel Hernandez ang suspect na si Samuel Intes, isa sa mga namamahala ng Joggle Marketing na nasasangkot sa milyong piso na halaga ng investment scam hindi lamang sa tagum City kung dili pati na sa ibang mgha lugar ng Mindanao.

Inilunsad ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest sa tahanan nito sa Phase 2, Block 2A, Filinvest, Visayan Village, Tagum City dahil sa kasong syndicated estafa.

Nasa kustodiya na ng NBI ang suspect habang walang pyansa na inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Nanawagan naman ang NBI sa mga naging biktima ng suspect sa investment scam ng Joggle Marketing na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa pormal na pagsasampa ng kaso laban dito.