Guilty ang naging hatol ng Sandiganbayan laban sa opisyal ng isang non-government organization na nauugnay kay Janet Lim Napoles para sa kasong graft and malversation of public funds.
Ito ay may kaugnayan sa maling paggamit ng P3.5 million na halaga ng pork barrel na nagpondo sa mga ghost government projects o hindi nag eexist na proyekto ng pamahalaan.
Aabot sa 28 taon na pagkakabilannggo ang naging hatol ng anti-graft court laban kay Philippine Social Development Foundation, Inc. (PSDFI) president Evelyn De Leon.
Ayon sa desisyon , sapat ang ebidensya laban kay De Leon, para patunayang guilty para sa tig 2 counts ng graft at 2 counts ng malversation of public funds.
Paliwanag pa ng anti-graft court na mismong si De Leon ang naghanda at pumirma sa mga liquidation reports para sa mga government projects na kalaunan ay nadiskubre na hindi nag eexist.