-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Patay ang isang opisyal ng rebeldeng New People’s Army matapos na mauwi sa engkwentro ang paghahain lamang ng warrant of arrest ng mga otoridad sa Barangay Anislag Daraga, Albay.

Kinilala ang suspek na si Antonio Abadeza alyas “Flatops” na Vice Commanding Officer ng NPA sa ilalim ng Komite ng Probinsya 3, Platoon 3, Komiteng Sangay.

Una rito, nakatanggap ng report ang mga otoridad mula sa isang concerned citizen na nakita umano ang suspek sa lugar na nagsasagawa ng extortion.

Wanted si Abadeza sa patung-patong na kaso ng Attempted Murder, Homicide, Robbery with Homicide at Murder kung kaya agad na pumunta sa lugar ang mga tauhan ng PNP kasama ang Philippine Army upang ihain ang warrant of arrest.

Lulan ang suspek ng kanyang motorsiklo na sinubukang patigilin ng mga otoridad subalit imbes na sumuko ay bumunot ito ng baril at pinaputokan ang mga pulis at sundalo.

Narekober mula sa suspek ang isang hindi pa malaman na kalibre ng badil na may walong bala, isang magazine na may anim pang bala, bag na laman ang 11 pang mga bala, tatlong piraso ng kulay berdeng mga permit to campaign stickers at P11,710.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng PNP kung sino at ano ang pakay ng suspek sa pagpunta sa lugar.

Wala naman na naiulat na nasaktan sa panig ng mga suldalo at pulis.