-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang anti-fraud legal officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Atty. Thorrsson Montes Keith.

Sa kaniyang resignation letter na isinumite kay PhilHealth president at CEO Ricardo Morales, isinaad nito na ang dahilan ng pagbitiw niya sa puwesto ay dahil sa hindi makatarungang job promotion process.

phlhealt

Kasama rin dito ang ilang delayed na pasahod at hazard pays kung saan magiging epektibo ang resignation nito sa Agosto 31.

Mahigpit kasi nitong kinokontra ang mandatory na pagbabayad sa PhilHealth ng mga overseas Filipino workers.

Magugunitang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing boluntaryo na lamang ang pagbabayad sa PhilHealth matapos na almahan ito ng mga OFW.

Mariing pinabulaanan din ng hepe ng PhilHealth ang nawawala umanong pondo na umaabot sa P154 billion.