LAOAG CITY – Sasampahan ng kasong direct assault at physical injury ang isang opisyal ng PNP na nakabase sa Camp Crame matapos tadyakan ang isang pulis matapos ang pagkakahuli nito.
Kinumpirma ito ni Police Lt. Tolentino Erum, ang chief of police ng PNP-Piddig.
Nagsimula ito matapos magresponde ang mga kasapi ng PNP-Piddig sa natanggap na tawag na may isang pamilya na nag-aaway sa isang lamay.
Dito nagpakilala na isang opisyal o Police Captain ito na nakabase sa Camp Crame.
Sinabi ni Erum na bilang pagrespeto sa isang opisyal ng PNP ay kinausap muna nila ito na tumigil na ngunit hindi ito nakinig dahilan para huliin na nila ito.
Habang nasa patrol car aniya ang mga pulis kasama ang opisyal ay nagpumiglas ito na nahilan ng pagkakasugat sa noo.
Maliban dito, tinadyakan pa umano ng opisyal ang isa sa mga nagrespondeng pulis.
Nabatid na ang Police Captain ay lasing at ngayon ay nanatili sa ospital dito sa lungsod ng Laoag.
Sa ngayon ay inihahanda na ng PNP ang kaso na isasampa laban sa kapwa nila pulis.