-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng isa ang nasawi dahil sa COVID 19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Task Force (ASCOTF) Commander Police Lt. Gen Joselito Vera Cruz, isang pulis na may ranggong Lt. Colonel ang nasawi dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Vera Cruz, ang nasabing pulis ay naka-assign sa City Community Affairs Division Office sa Palawan City.

Lumalabas naman sa datos ng Health Service, mayroong hypertension at pneumonia ang 45-anyos na opisyal at nabakunahan na ng 1st dose ng Covid-19 vaccine.

Dahil dito, umabot na sa 117 ang mga nasawi sa COVID-19 sa PNP.

Nasa 143 naman ang naitalang bagong kaso at 274 ang mga bagong gumaling.

Sa kabuoan, nasa 2,092 na ang mga aktibong kaso ng COVID 19 sa PNP.

Nagpa-abot naman ng pakikiramay ang PNP sa pamilya ng nasawing Police Lieutenant Colonel.