VIGAN CITY – Hindi umano sang-ayon ang isang opisyal ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na maibalik ang manual elections sa bansa kahit pa ang sinasabi ng ilan na manual counting sa mga polling precincts.
Ito ay dahil marami na namang mga iregularidad nitong nakalipas na midterm elections na hindi nakaligtas sa pagpuna ng ilang election watchdog sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni PPCRV Spokesman Arwin Serrano na hindi una umano epektibo ang manual elections sa bansa, lalo na ang manual counting sa mga polling precincts sa dami ng mga kandidato na tumatakbo tuwing sasapit ang halalan.
Aniya, hindi umano maaaring ihalintulad ng ilan ang halalan sa ibang bansa sa nagaganap dito sa Pilipinas dahil hindi katulad doon, kaunti lamang ang mga kandidato at mga partidong nakikilahok sa halalan.
Una rito, sinabi rin sa Bombo Radyo Vigan na hangad ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na maibalik ang manual elections sa bansa nang sa gayon ay kaagad na makilala kung sinu-sino ang mga nandaraya sa resulta nito.