-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Namatay sa cardiac arrest ang isang opisyal ng 1002nd Infantry Brigade Philippine Army matapos makita na wala nang buhay sa luob ng kanyang quarter sa kanilang kampo sa Pulutana, Malandag, Malungon, Sarangani province.

Kinilala ni Lt. Col. Edgar Yago, hepe ng Malungon Municipal Police Station ang namatay na si 1Lt. Allan Magkalas Du, 41, residente ng Angeles.

Kaagad umanong sinailalim sa post mertem exam ng mga operatiba ng Scene of Crime ng Pulisya subalit walang nakita na foul play ang pagkamatay ng nasabing opisyal.

Pasado alas-6:00 ng umaga kahapon nakita na lamang na wala nang buhay ang opisyal kaya’t ini-report sa pulisya.

Nasa punerarya na ngayon ang bangkay ng nasabing opisyal habang inihanda na ang paglipad nito pauwi ng kanilang lugar sa Angeles, Pampanga.