-- Advertisements --

Puspusan ang isinasagawang Oplan Baklas ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Quezon City upang mabawasan ang maling paglalagay ng mga election paraphernalia sa kanilang lugar.

Sinuyod ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety at Traffic and Transport Management Department ang mga lugar sa CP Garcia, Katipunan Avenue, Xavierville, East Avenue, Tomas Morato, Kamuning, Timog, Anonas, at E. Rodriguez ngayong araw.

Muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan na bawal ang pagkakabit ng election materials sa mga poste ng kuryente, pampublikong kagamitan at pasilidad tulad ng street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at mga overpass sa lungsod.

Magpapatuloy umano ito hanggang sa pagpasok ng campaign period.

Pinaburan naman ng Comelec ang hakbang na ito ng QC LGU dahil sila man ay nananawagan ng responsableng paglalagay ng posters, maging ito man ay mula sa politiko, ads ng kompaniya, promo o anumang aktibidad.