-- Advertisements --
PNP Dagupan
Dagupan City PNP / FB photo

DAGUPAN CITY– Nais ilunsad ng Pangasinan police provincial Office sa susunod na linggo ang tinatawag na Oplan balik disiplina sa kalsada.

Ayon kay acting Pangasinan provincial director police col. Redrico Maranan, dahil kapansin pansin na maraming motorista ang hindi sumusunod sa mga batas na pinapairal sa mga kalsada gaya na lamang ng hindi pagsusuot ng helmet.

Base umano sa kanilang tala, araw araw ng 15-20 traffic accident na kinabibilangan ng mga motor na sanhi ng agarang kamatayan o seryosong kalagayan ng mga motorista.

Giit niya na ang bawat motorsiklo ay nararapat magkaroon ng mandatory safety devices tulad lamang ng safety mirror, signal light at headlight at kung sakaling makitaan ng kakulangan ng isang motyorista ay maaring iimpound ang gamit nitong motor.